Epektibo ngayong Hulyo ang pisong tapyas presyo sa produktong de-latang sardinas ayon sa Department of Trade and Industry.
Ayon sa DTI, tugon ito ng mga manufacturer sa panawagan ng Presidente na makipagtulungan sa gobyerno upang mapagaan ang pasanin ng mga konsyumer sa gitna ng mataas na gastusin sa araw-araw.
Bukod sa rollback, inilunsad din ang isang programang tumutugon sa food sustainability upang magkaroon ng pagbaba ng food waste, pagtaas ng kita ng mahigit 200 maliliit na mangingisda, at pagkakalikha ng humigit-kumulang 850 trabaho sa bansa.
Sa ilalim ng nasabing inisyatibo, tumaas sa 65 milyong servings ng sardinas ang naproseso.
Sa kabila ng bawas presyo, patuloy naman na iniind ng ilang mamimili sa Pangasinan ang mataas na presyuhan sa karneng baboy.
Sa lungsod ng Dagupan, umabot na sa ₱420 kada kilo ang presyo nito. Ayon sa ilang mamimili, ramdam na ramdam nila ang bigat ng patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin, na lalo pang nagpapahirap sa araw-araw nilang gastusin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









