Pisong tapyas sa additional flat rates sa NLEX toll, ipatutupad bukas

Ipatutupad bukas, March 20 ng North Luzon Expressway (NLEX) ang pisong (₱1) bawas sa kanilang dagdag na flat rate.

Ayon sa NLEX Corporation, ang low additional flat rates para lamang sa expressway sections na sakop ng kanilang open system upang mapagaan ang impact ng ipinatupad na toll adjustments.

Ang open system ay mga urban portions ng expressway mula Balintawak hanggang Marilao, Bulacan kung saan nagbabayad ng flat rate ang mga motorista.


Ang closed system naman ay sakop ang bahagi ng Bocaue at mga sumunod na exit kung saan nagbabayad ang mga motorista “per distance traveled”.

Magpapatupad ang NLEX ng 9 pesos flat fee kaysa sa 10 piso sa mga class 1 vehicles (ordinary cars) na bibiyaheng Balintawak, Karuhatan, Paso de Blas, Mindanao Avenue, Meycauayan at Marilao sections.

Mula sa 23 pesos magiging 22 pesos ang flat fee sa mga class 2 vehicles (bus at small truck).

 

28 pesos naman ang babayarang flat fee sa mga class 3 vehicles (large trucks at trailers).

Facebook Comments