Pista ng Itim na Nazareno, nananatiling payapa – PNP

Nananatiling mapayapa ang mga aktibidad na isinasagawa kaugnay ng Pista ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., sapat na pwersa ng kapulisan ang kanilang ipinakalat sa iba’t ibang lugar sa Maynila na pinagdarausan ngayon ng Pista ng Nazareno.

Sa katunayan, ani Azurin ay nasa 5,559 police personnel mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang naka-deploy kasama ang 3,000 force multipliers na nagsisilbing first line of contigents upang matiyak na magiging maayos ang banal na aktibidad.


Kasunod nito, patuloy na humihingi ang PNP chief ng kooperasyon sa publiko upang hanggang sa pagtatapos ng Feast of the Black Nazarene ay payapa at matiwasay ang sitwasyon.

Nananawagan din ito na patuloy pa ring tumalima sa health and safety protocols dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments