Pista ng Itim na Nazareno ngayong taon, simpleng ipagdiriwang

Magiging simple ang selebrasyon ngayong taon ng Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno sa harap na rin ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Quiapo Church Spokesperson, Fr. Douglas Badong, walang magiging prusisyon, salubong o pahalik ngayong taon.

Hiling nila na sana ay maging disiplinado ang mga deboto.


Sabi pa ni Badong, ayaw nilang tagalaganap ng virus ang mga deboto, kundi tagalaganap ng mabuting balita.

Pinapayuhan ang mga deboto na dumalo sa misa ng kanilang mga sariling parokya sa halip na magtungo lahat sa Quiapo Church sa Linggo, January 9.

Gayumpaman, nakiusap ang simbahan sa Manila City Government na isara ang ilang kalsada sa southern part ng Quezon Boulevard para bigyang daan ang mga deboto.

Karagdagang LED screens din ang ikakabit sa labas ng Simbahan.

Nakiusap din ang Quiapo Church sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan ang mga deboto na okupahin ang 50% ng venue para sa mabilis na turnover at mapigilan ang mahahabang pila.

Facebook Comments