PISTA NG ITIM NA NAZARENO SA SAN CARLOS CITY, PINAGHAHANDAAN NA

Pinaghahandaan na ang nalalapit na kapistahan ng Itim na Nazareno sa San Carlos City na nakatakdang ipagdiwang sa January 9,2026.

Nagpulong na ang kapulisan sa mobilisasyon ng mga personnel katuwang ang mga force multipliers upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa lungsod.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga usapin hinggil sa crowd control, seguridad, at koordinasyon sa panahon ng pagdiriwang, partikular sa mga aktibidad na pangungunahan ng simbahan.

Layunin na mapalakas ang pagtutulungan ng ahensya at iba pang grupo upang maging handa sa inaasahang dagsa ng deboto at maiwasan ang anumang insidenteng maaaring makagambala sa kapayapaan at kaayusan.

Patuloy naman ang panawagan ng kapulisan sa publiko na makipagtulungan at sumunod sa mga itinakdang alituntunin upang maging ligtas at maayos ang paggunita sa Pista ng Itim na Nazareno sa San Carlos City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments