PISTA NG ITIM NA NAZARENO | Thanksgiving procession ng Itim na Nazareno, dinumog

Manila, Philippines – Dinumog ng daan-daang deboto ang thanksgiving procession ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Bago umarangkada ang prusisyon, nagkaroon muna ng maikling misa.

Iikot ang prusisyon mula Quiapo Church papuntang Claro M. Recto Avenue, babagtas sa Bilibid Viejo, tutungo sa Hidalgo Street bago babalik ng simbahan.


Inaasahang tatagal ang prusisyon mamayang tanghali.

Bahagi ito ng pagsisimula ng kapistahan ng Itim na Nazareno na magtatapos sa Enero a-nueve.

Facebook Comments