Magiging localized na lamang ang taunan selebrasyon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Enero 9.
Ayon kay Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Douglas Badong, dadalhin ang imahen sa iba’t ibang lugar pero walang mangyayaring prusisyon.
Nakatuon ang selebrasyon sa pagsasagawa ng misa.
Sa paraang ito, maiiwasang maikalat ang COVID-19 bunga ng pagdagsa ng mga deboto mula sa iba’t ibang lugar.
Ang imahe ng Itim na Nazareno ay nakatakdang bumisita sa Hospicio de San Jose sa Maynila at Antipolo Cathedral sa December 31 at San Lazaro Hospital sa Maynila sa Enero 1.
Bibisitahin din nito ang Manila Cathedral, Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa Pangasinan, at Shrine of Padre Pio sa Batangas sa January 2.
Susundan ito ng pagbisita ng imahe sa Greenbelt Chapel sa Makati City, San Jose Cathedral sa Nueva Ecija at San Vicente Ferrer Paris sa Laguna sa January 3.
Bibisita rin ang Itim na Nazareno sa Manila City Hall, Mother of Perpetual Help Parish sa Nueva Ecija, at San Roque Parish sa Cavite sa January 4.
Ipapaikot din ang imahe sa Bureau of Fire Protection Headquarters sa Quezon City, San Fernando Cathedral sa Pampanga, at San Isidro Parish sa Las Piñas sa January 5.
Sa January 6, ililipat ang imahen sa Manila Police District, Malolos Cathedral sa Bulacan, at Santo Niño Parish sa Taguig City.
Sa January 7, ang imahe ay bibisita sa Santo Domingo Shrine sa Quezon City, NCS-BEC Community, at Baclaran Church sa Parañaque City.