Manila Philippines – Aminado ang pamunuan ng manila police district na isang security Nightmare ang Traslacion 2018 para sa kanilang hanay.
Ayon kay MPD Spokesman Erwin Margarejo – malaking hamon ang pagbabantay ng labing lima hanggang dalawampung milyong deboto ng itim na Nazareno pero isa rin itong magandang pagkakataon para mas mapalakas at mapatibay ang kanilang paghahanda sa mga malalaking kaganapan sa bansa.
Dahil dito ay nagpaalala ang opisyal sa publiko na nag paplanong dumalo sa naturang pagtitipon.
Ayon kay Margarejo mabuting magdala ng sapat na pagkain at tubig ang mga deboto dahil mahabaan ang magiging prusisyon.
Mas makakabuti din aniya kung hindi na magsasama ng bata at matanda sa traslacion dahil nangangailangan ng lakas ang naturang parada.
Babala pa ng opisyal huwag magdala ng bladed weapons, mga mamahaling cellphone at malaking halaga ng salapi para maiwasan ang ano mang hinndi magandang insidente.
Paliwanag ni Margarejo para mas mabilis ang responde ng mga otoridad ay mag papakalat ang MPD ng mga police assistant desk gayundin ang may Medical Assistance at Advance Command Post.
Dagdag pa ni Margarejo nakaantabay din ang pwersa ng Bureau of Fire and Protection, Philippine Coast Guard, Department of Health gayundin ang Department of Public Works and Highways at iba pang mga Non-Government Organizations.