PISTA NG QUIAPO | 9 na araw na novena mass, nagsimula na

Manila, Philippines – Nagsimula na ang siyam na araw na novena mass para sa Pista ng Itim na Nazareno.

Ito ay sinimulan noong Disyembre 31, 2017 at tatagal hanggang Enero a-otso.

Sa Enero a-siyete, ipuprusisyon ang mga replica ng Itim na Nazareno.


Habang sa Enero a-otso naman ay dadalhin sa Quirino Grandstand ang imahe ng poon para sa tradisyunal na Traslacion sa Enero a-nueve.

Kasabay nito, magkakaroon rin ng Eucharistic celebration sa Grandstand.

Facebook Comments