PISTON at MANIBELA, umaapela sa Korte Suprema na tulungan sila upang hindi mawala ang kanilang kabuhayan

Umaapela ang ilang mga miyembro ng PISTON at MANIBELA sa Korte Suprema na tulungan sana sila upang maisalba ang kanilang pamumuhay gaya ng pagpapasada ng jeep.

Ito’y sa pamamagitan ng paglalabas ng Temporary Restraining Order o TRO sa ipinapatupad na PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Giit ng dalawang grupo, tanging ang Korte Suprema ang may kapangyarihan upang mapanatili ang kanilang kabuhayan.


Isa rin ang Kataas-taasang Hukuman sa kanilang nilalapitan upang mahinto ang naturang programa na isinusulong ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr).

Muli nilang panawagan na harangin na ng SC ang pagpapatupad ng naturang programa dahil masasakripisyo dito ang usapin sa transportation sector.

Hindi lang daw sila ang maaapektuhan kundi maging ang publiko na palaging sumasakay ng pampublikong transportasyon.

Facebook Comments