Wednesday, March 18, 2026

PISTON Cebu, sasali sa nationwide transport protest bukas

Nagsagawa ng aktibidad ang mga miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) Cebu kahapon, March 17, upang ipahayag ang kanilang mga panawagan sa gobyerno dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay PISTON Cebu Coordinator Greg Perez, pinaghahandaan na rin ng kanilang organisasyon ang pagsali sa nationwide transport protest bukas, March 19, para sa kanilang mga miyembro sa Cebu

Maglalagay rin aniya ng tatlong choke points ang PISTON Cebu kung saan magtitipon ang mga miyembro nito sa transport protest sa P. Del Rosario Street sa Cebu City, Mabolo, at Talamban-Cabancalan area sa Mandaue.

Ani Perez, hindi pa sapat ang ipapatupad na dagdag-pasahe dahil magpapatuloy pa rin ang pagtaas sa presyo ng mga langis.

Nananawagan din ang grupong PISTON sa agarang pagbawas o pagsuspinde ng excise tax sa langis, pagbasura sa Oil Deregulation Law, at madaliang paglalabas ng fuel subsidy para sa mga transport sector.

Facebook Comments