PISTON, hinihintay na lamang ang MANIBELA bago tumulak sa Mendiola

Nakahanda na ang grupong PISTON upang tumulak sa Mendiola habang inaantay ang kanilang kasamahan na transport group partikular ang grupong MANIBELA.

Ayon kay PISTON Secretary General Ruben Baylon, inaasahang libu-libong lalahok na isasagawang transport caravan na magmumula sa UP Diliman patungong Mendiola.

Paliwanag ni Baylon na inaasahan nilang susuportahan sila ng iba’t ibang transport cooperative sa Metro Manila kaugnay sa kanilang ipinaglalaban hinggil sa PUV Modernization Program.


Naniniwala ang transport group na kaya nilang iparalisa ang ang operasyon ngayong araw na tigil-pasada dahil na rin sa libu-libong mga kasapi ng PISTON at MANIBELA na nagsanib-puwersa para magsagawa ng dalawang araw na tigil-pasada.

Facebook Comments