Marami pa ring jeepney drivers ang hindi pa nakatatanggap ng financial assistance mula sa pamahalaan mula nang inilagay ang bansa sa lockdown nitong Marso.
Ayon kay PISTON National President Mody Floranda, karamihan sa mga tsuper ay nahihirapan na makuha ang kanilang cash assistance sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1).
“Ang malaking problema dito ay yung maraming proceso masyado na dinadaanan ang mga drivers at mga operators para makuha yung sinasabing ayuda,” ani Floranda.
Sinabi rin ni Floranda na pabalik-balik ang mga driver sa iba’t ibang government agencies tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makapag-apply para sa financial assistance.
“Kaya’t hanggang sa ngayon yung unang ayuda na sinasabi ng administrasyon ay malaking bahagi pa ng sekto ng transportasyon and di nakakatanggap dahil nagkalito- lito po, di po maindithan kung ano po ang gagawin,” sabi ni Floranda.
Hinimok ng PISTON ang pamahalaan na gawing madali ang claiming process para sa mga drivers.
Mahalaga rin na ang lahat ng sektor ng transportasyon, hindi lamang ang mga jeepney drivers ang mabibigyan ng ayuda.
Sa datos ng transport group, nasa 27,937 traditional jeepneys na ang pinayagang makabiyahe.