Tinututulan ng transport group na Piston ang pagpapatupad ng panukalang automatic fare adjustment system para sa Public Utility Jeepneys (PUJs) sa ikalawang kwarter ng 2019.
Ayon kay Piston President George San Mateo – kapag itinuloy ang implementasyon nito ay kaakibat nito ang deregulation ng pasahe sa jeepney.
Idinagdag pa ni San Mateo – magdudulot lang din ito ng kalituhan at alitan sa pagitan ng mga tsuper at pasahero nito.
Aniya, ang kailangan ng sektro ng transportasyon ay ang pag-regulate ng gobyerno sa presyo ng langis.
Sa ilalim ng proposal, ang jeepney fare ay tataas o bababa depende sa galaw ng fuel pump prices.
Facebook Comments