
Nakatandang magsasagawa ng transport strike ang grupong PISTON sa Huwebes, Setyembre 18.
Ayon sa grupo, ang tigil-pasada sa buong bansa sa September 18 ay bilang protesta sa malawakang korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Magsisimula ang nationwide protest ng alas-5 ng umaga.
Sinabi ng grupo na namulat ang mga driver at operator na malaki ang ambag nila sa ekonomiya at buwis sa araw-araw.
Umaabot daw ng P12,000 ang buwis na binabayaran ng mga tsuper at operator.
Pero nilulustay lamang daw ito ng mga mambabatas sa pamamagitan ng kanilang mga palpak na flood control projects.
Nanawagan din ang grupo sa iba pang transport sector na suportahan ang kanilang isasagawang tigil-pasada.
Facebook Comments









