Piston, magsasagawa ng transport protest sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ngayong araw

Manila, Philippines – Kasado na rin ang nationwide transport protest ng grupong Piston ngayong araw, June 5.

Ito’t bilang pagkondena sa planong pagtanggal ng mga lumang pampasaherong jeepney sa kalsada.

Ayon kay Piston President George San Mateo – magsasagawa sila ng rally sa harap ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) and Department of Transportation (DOTr).


Hindi aniya transport strike ang kanila ikakasa bilang konsiderasyon sa unang araw ng pasok ng mga estudyante ngayong araw.

Magsasagawa naman ng transport caravan sa Isabela, Laguna, Albay, Bacolod at Davao.

Tigil-pasada naman sa lalawigan ng Aklan, Iloilo, Capiz at Antique.

Handa naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na umayuda sa mga maaapektuhan sa kalakhang Maynila kung saan dagdag na 2,000 traffic enforcers ang ipapakalat.
DZXL558

Facebook Comments