Naghain ng “extremely urgent motion” ang PISTON at affiliate groups nito sa Korte Suprema upang magpalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa PUV Modernization Program.
Batay sa record ng PISTON, nasa 15 major routes sa Metro Manila ang walang consolidated units sa ilalim ng isang kooperatiba, tatlong araw bago ang deadline ng franchise consolidation sa December 31.
Muling iginiit ni Ka Mody Floranda na kung hindi magpapalabas ang SC ng TRO sa deadline, asahan na ang transport crisis.
Naniniwala naman ang mga petitioner na ang ipinalabas na Memorandum Circular 2023-052 ng LTFRB ay malinaw na pag-amin ng gobyerno na hindi sapat ang bilang ng mga PUV unit na handang sumali sa modernisasyon.
Sa ilalim ng circular, papayagan pa ring makapasada hanggang January 31, 2024 ang mga unconsolidated PUV units sa mga ruta na mababa pa sa 60% ang consolidation.