PISTON, pinag-uusapan kung magkakaroon pa ito ng susunod na tigil-pasada

Pinag-uusapan ngayon ng mga lider ng grupong PISTON kung magkakasa pa sila ng panibagong transport strike.

Kasunod ito ng umano ay matagumpay na tatlong araw na tigil-pasada ng grupo.

Kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng tigil-pasada ang ilang bahagi ng Caloocan, Maynila, Quezon City, Pasig, Pasay, Alabang, Parañaque, Las Piñas, Cavite, at Laguna.


Naninindigan si PISTON National President Mody Floranda na dapat ibasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang umano’y huwad at palpak na PUV Modernization program.

Iginigiit ng PISTON na dapat ay magtayo ang pamahalaan ng sariling industriya habang ang taumbayan umano mismo ang lilikha ng sariling transportasyon.

Nanawagan si Floranda na payagan ang mga driver na ayusin ang kanilang mga sasakyan imbes na sumali sa panibagong sistema ng electronic jeepney.

Facebook Comments