Pitong indibidwal ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon laban sa illegal gambling sa Luna, La Union kahapon, Nobyembre 19.
Isinagawa ang mga operasyon ng Luna Municipal Police Station bilang lead unit, at sa isang kaso ay nakipagtulungan ang Bangar MPS.
Kasama sa mga naaresto ang mga sumusunod: 61-anyos na lalaki, 69-anyos na babae, 68-anyos na lalaki, 32-anyos na lalaki, 49-anyos na babae, 39-anyos na lalaki, at 36-anyos na lalaki, karamihan ay residente ng Luna, habang isa ay mula sa Balaoan, La Union.
Lahat ng suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) sa ilalim ng PD 1602, na may rekomendadong piyansa na Php30,000.00 bawat isa.
Ang mga naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang police stations para sa tamang dokumentasyon.
Patuloy ang imbestigasyon at operasyon ng mga awtoridad upang sugpuin ang ilegal na sugal sa lalawigan.









