PITO, ARESTADO SA TANGKANG PANGANGALAKAL NG ENDANGERED NA HALAMAN SA AGNO

Arestado ang pitong lalaki sa Agno, Pangasinan matapos mahuling may dalang mga binunot na Kamuning Bilog plants (Murraya paniculata) na itinuturing na endangered species.

Isinagawa ang operasyon bandang alas dos ng hapon noong Marso 25, 2026 kung saan nakumpiska ang 18 uprooted na halaman na nakahanda nang ilagay sa isang van.

Nang mabisto, walang maipakitang permit o legal na dokumento ang mga suspek para sa pagkolekta at transportasyon ng mga halaman.

Dinala ang mga suspek sa Agno Rural Health Unit para sa medikal at pisikal na pagsusuri bago isinailalim sa kustodiya ng pulisya para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Ang nakumpiskang halaman ay ipapasa sa DENR Office sa Alaminos City para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments