Pito, bagong nasawi sa COVID-19 sa Makati City

Muling nakapagtala ang Heath Department ng Makati City ng 7 bagong nasawi sa COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa kanilang datos, ang mga COVID-19 patient na nasawi ay mula sa Palanan, Sta. Cruz, Tejeros, Comembo, Guadalupe Viejo, West Rembo, at San Lorenzo.

Dahil dito, tumaas sa 532 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lungsod dahil virus.


Nadagdagan din ng 142 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod, dahilan para sumampa ang kabuuang bilang nito sa 1,456.

Mula ito sa 16, 767 na total confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod.

Umabot naman na sa 14,779 ang bilang ng gumaling matapos madagdagan ng 130 new recoveries.

Facebook Comments