Sa inilabas na desisyon ng Regional Trial Court Dagupan City, kasong kriminal o paglabag sa Omnibus Election Code kaugnay ng COMELEC Resolution No. 11104, section 24 at 26, o vote buying ang kakaharapin ng mga ito.
Sa naturang desisyon, nahulihan ang mga ito ng PHP 120,600 na pera upang ipagbili ng boto sa tatlong lokal na kandidato ng lungsod at isang partylist.
Sa salaysalay ng complainant, nakatanggap ng reklamo ang pulisya mag aalas dose noong May 11, kung saan isinuplong nito ang nangyayaring aktibidad sa Mayombo, Dagupan City.
Nahuli ang anim na suspek na bumili ng boto at Isang tumanggap upang ipagbili ang boto.
Huli sa akto ang mga ito na mayroong hawak na isang libong piso kalakip ng isang flyer.
Nasa kustodiya na ng awtoridad ang mga ito at posibleng makalaya sakaling makapagpyansa ng PHP 36,000 ang bawat isa.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









