Pito pang Pilipino sa Shanghai, China, nagpositibo sa COVID-19

Umabot na sa 17 na mga Pilipino sa Shanghai, China ang nagpositibo sa COVID-19 matapos madagdagan ng pito.

Ayon kay Consul General Josel Ignacio, tatlo sa mga ito ang nakalabas na ng isolation facilities habang 14 ay nananatiling aktibong kaso.

Tiniyak naman ni Ignacio na magkakaloob ang pamahalaan ng food assistance sa mga Pilipinong apektado ng lockdown sa China.


Magbibigay rin aniya ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng $200 o P10,000 cash assistance sa mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19.

Sa ngayon, patuloy na pinaiiral ng China ang zero COVID strategy kung saan nagtupad ito ng mga lockdown, mass testing at travel restrictions para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments