Manila, Philippines – Inaantay na lamang ng Department of Health ang resulta ng 7 pang suspected cases ng human transmission ng influenza H5N6 mula sa lab test ng Research Institute for Tropical Medicine.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, kagaya ng mga naunang kaso na nagnegatibo sa bird flu maaaring normal na flu lang din ang naranasan ng pitong poultry workers.
Gayunpaman, hindi aniya magpapakakampante ang DOH at nananating aktibo ang monitoring ng epidemiology ng ahensya para sa pagsasagawa ng mga naaayong tugon.
Inalerto na rin nila ang Paulino Garcia Medical Center sa Butuan at Jose Lingad Memorial Medical Center sa San Fernando, Pampanga.
Sa pinakahuling datos ng DOH, nagnegatibo ang 34 na suspected cases na una na nilang inisolate.