Pito patay, labindalawa, sugatan matapos tumama ang 6.4 magnitude na lindol sa Croatia

Pitong katao na ang kumpirmadong patay at 12 ang sugatan matapos ang 6.4 magnitude na lindol sa Croatia.

Ayon sa European-Mediterranean Seismological Centre, ito ang pinakamalakas na lindol na tumama sa kanilang bansa ngayon taon kung saan naramdaman din ito ng mga karatig-bansa tulad ng Serbia at Bosnia and Herzegovina.

Nagpaalala naman ang kanilang otoridad sa mga residente na huwag munang pumunta malapit sa bayan ng Petrinja na siyang episentro ng nasabing lindol.


Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi at sugatan dahil sa nagpapatuloy na search and rescue operation sa Croatia.

Facebook Comments