Aabot sa pitong katao ang nasawi matapos silang pagsasaksakin sa North-Eastern China.
Ayon sa mga otoridad, bukod pa sa nasawi ay mayroon ding pitong katao ang nasugatan sa insidente na naganap sa Kaiyuan (kay-wan) city sa Liaoning (li-yaw-ning) province.
Kabilang sa mga ito ang isang pulis matapos subukang pasukuin ang suspek.
Naaresto naman ng mga otoridad ang suspek na responsable sa nasabing insidente.
Facebook Comments