Mayorya ng mga kabataang Filipina ay nakaranas ng harassment sa online.
Ito ang lumabas sa survey ng nasa higit 14,000 dalaga na may edad 15 hanggang 24 sa 31 bansa, kabilang ang Pilipinas ay nakaranas ng online harassment.
Batay sa survey ng Plan International (PI), pito sa bawat 10 babae o 68% ang nakaranas ng online harassment, lalo na sa social media.
Ibinunyag ng nasa 50% ng young Filipinas na madalas nangyayari ang online harassment, habang 33% ang nagsabing sobrang madalas itong nagaganap.
Lumabas din sa survey na 67% ng Pinay ang nagsabing na-harass sila ng mga taong kilala nila.
Bukod dito, walo sa bawat 10 o 79% ng mga respondents ang nagsabing may mga kilala pa silang ibang babaeng nakatatanggap din ng sexual violence sa social media.
Ayon sa Gender Specialist na si Mona Mariano, ang mataas na insidente ng online violence laban sa mga kababaihan ay nakakaalarma.
Dapat aniya maunawaan ng publiko na ang online harassment ay nakakaapekto sa buhay ng mga ito offline.
Ang Plan International ay inilunsad ang global campaign nito na #FreeToBeOnline, kung saan ipinapanawagan ang paghinto ng online violence at itaguyod ang digital rights at kalayaaan ng mga kababaihan.