Pito sa mga top 15 na contractors ng flood control projects na tinukoy ni PBBM, may kontratang ipinatupad sa Quezon City

Pito sa mga may kontratang ipinatupad sa Quezon City ay kabilang sa top 15 na contractors ng flood control projects na tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte sa press conference kaugnay ng resulta ng isinagawang inspection nila sa mga Department of Public Works and Highways o DPWH projects sa lungsod.

Kabilang sa mga contractor na ito ay ang mga sumusunod:

1. Legacy Construction Corp.
2. Alpha Omega Gen Contractor and Development Corp.
3. St. Timothy Construction
4. EgB Construction Company
5. Topnotch Catalyst Builders
6. Triple Construction and Supply Inc.
7. Wawoo Builders

Ayon Kay Mayor Belmonte, nasa P14-B ang halaga ng naturang mga proyekto.

Aniya, nasa 252 flood control projects maroon ang QC.

Mula sa naturang bilang, 16 lang ang nagpasa ng application for approval habang dalawa lang ang naaprubahan ng LGU.

Nakita rin na may 16 na magkakapareho ang contractors at magkakapareho rin ang contract cost ng bidding.

93 sa mga proyekto ay nakumpleto na.

Facebook Comments