
Nakatakdang humarap sa Sandiganbayan ngayong umaga ang siyam na opisyal ng Department of Public Works and Highways-MIMAROPA na sangkot sa maanomalyang flood control projects sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ngayong umaga, pitong lalaki sa siyam na akusado ang dumating na sa Sandiganbayan 6th Division para sa kanilang arraignment sa kasong Malversation mamayang alas-1:30 ng hapon.
Nitong nakaraang linggo, naghain ang mga akusado ng ‘not guilty plea’ para sa kanilang kasong Graft sa Sandiganbayan 5th Division.
Samantala, sumunod na dumating sa Sandiganbayan si DPWH-MIMAROPA Maintenance Chief Juliet Calvo mula sa Female Dormitory ng Camp Caringal para sa kanyang arraignment sa kasong Graft.
Matatandaang hindi nakadalo si Calvo noong nakaraang linggo matapos magkulang ang korte sa pag-isyu ng produce order upang siya ay makaharap sa korte.
Patuloy namang inaantabayanan ang pagdating ng isa pang opisyal, si Lerma Cayco.









