Pitong aktibidad, dadaluhan ni Pangulong Bongbong Marcos sa ikatlong araw nito sa Switzerland

Sasabak si Pangulong “Bongbong” Marcos Jr., sa iba’t ibang aktibidad bukas o mamaya sa Pilipinas na may kinalaman sa ginaganap na World Economic Forum.

Pitong aktibidad ang dadaluhan ng pangulo.

Una ay 10:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali bukas dito sa Switzerland o 7:30 ng gabi hanggang 2:30 ng madaling araw dyan sa Pilipinas ay dadalo ang pangulo sa formal opening speech ni President of the Swiss Confederation Alain Berset na gaganapin sa Davos Congress Centre.


Pangalawa, ay mula alas-2 ng hapon hanggang 2:45 ng hapon bukas dito sa Switzerland o alas-9 ng gabi sa Pilipinas ay dadalo ang Pangulong Marcos Jr., sa Philippine Country Strategy Dialogue with Economic team sa Congress Centre.

Alas-3 ng hapon naman dito sa Switzerland o alas-10 ng gabi sa Pilipinas ay mayroong private meeting ang pangulo.

Bukas ng alas-4 naman ng hapon dito sa Switzerland at alas-11 ng gabi dyan sa Pilipinas ay mayroong panayam sa Bloomberg si Pangulong Marcos.

Magkakaroon naman ng bilateral meeting ang pangulo kay Kristalina Georgieva, Managing Director, International Monetary Fund na gaganapin alas-5 ng hapon bukas dito sa Switzerland habang alas-12 ng hatinggabi sa Pilipinas.

Pagkatapos nito agad na makikipagpulong ang pangulo sa DP World.

Ang DP world ay nangungunang provider ng smart logistics solutions, na nakakatulong sa flow of trade sa buong mundo.

Huling aktibidad ng pangulo bukas ng gabi dito sa Switzerland habang 2:30 ng madaling araw sa Pilipinas sa Jan. 18 ay magkakaroon muli ng private dinner ang pangulo.

Facebook Comments