Nakakaranas pa rin ng pagbaha ang ilang mababang barangay sa bayan ng Calasiao.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Kristen Joy Soriano, LDRRMO Officer II, nasa pitong barangay o ang mga barangay ng Nalsian, Lasip, Mancup, Lumbang, Longos, Buenlag at Talibaew pa rin ang nakakaranas ng pagbaha dahil sa tuloy-tuloy na pag-uulan at dahil na rin sa mataas na lebel ng Marusay River na as of 2PM kahapon ng ika-6 ng Setyembre, nasa 8.2 ft above normal level na ito at bahagyang bumaba na nasa 8.4ft.
Ayon pa sa kanya, may mga bahagi lamang ng mga barangay ang may tubig kung saan pinakataas sa Brgy. Talibaew na nasa 2.9 feet hanggang bewang ang lalim ng tubig.
Sa kabutihang palad wala pa namang residente ang humihingi ng tulong dahil sa pagbaha dahil paliwanag ng ilan ay “manageable” pa ang mababang pagbaha dahil sanay na sila.
Umaasa naman ang mga residente at ang MDDRMC na sa tuloy-tuloy na pagbuti ng panahon, mawawala na rin ang tubig baha. |ifmnews
Facebook Comments