Pitong barkong pangisda ng China at Vietnam, itinaboy ng PCG sa WPS

Pitong foreign fishing vessels ang pinalayas ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng Palawan.

Ayon sa PCG, matagumpay na naitaboy ng BRP Cabra (MRRV-4409) ang limang barkong pangisda ng Tsina at dalawa ng Vietnam.

June 30 nang namataan ang mga barko sa bisinidad ng Marie Louise Bank, 147 nautical miles mula sa El Nido, Palawan.


Ang Marie Louise Bank ay bahagai ng Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.

Gamit ang kanilang Long Range Acoustic Device (LRAD), ni-radyuhan ng BRP Cabra ang pitong barko na namonitor nito sa pamamagitan ng radar at automatic identification system.

Matapos na maitaboy ang mga barko, tiningnan ng BRP Cabra ang kondisyon ng 34 na Pilipinong mangingisda na sakay ng F/B XIROXIRA mula San Jose, Occidental Mindoro na namonitor din sa nasabing lugar.

Facebook Comments