Pitong buwang buntis na bride, namatay ilang minuto bago ikasal

Image from Instagram/ @tenente_bahia87

São Paulo, Brazil – Nauwi sa trahedya ang masaya sanang selebrasyon ng magkasintahang Flavio Goncalvez at Jessica Guedes matapos pumanaw ang babae sa araw mismo ng kanilang pag-iisang dibdib.

Ang bride-to-be, pitong buwang buntis din.

Batay sa ulat, na-stroke si Guedes habang nasa loob ng bridal car.


Agad napasugod si Goncalvez sa kotse, na nakaparada sa labas ng simbahan noong mga oras na ‘yun. Binigyan niya muna ito ng paunang lunas hanggang sa dumating ang ambulansyang magdadala sa kanila sa pagamutan.

Pero idineklarang siyang brain dead at namatay kinalaunan.

Kuwento ni Goncalvez, naabutan pa niyang buhay ang kasintahan at idinaing nitong masakit ang likod ng leeg niya.

Ayon sa mga doktor, nagkaroon si Guedes ng preeclampsia at internal bleeding kaya agad siyang isinailalim sa cesarean operation para maisalba ang buhay ng sanggol na nasa sinapupunan nito.

Sa Instagram post ng lalaki, makikita ang kasiyahan sa mukha ng babaeng pinakamamahal habang nakasuot ng wedding gown.

 

View this post on Instagram

 

DOIS MOMENTOS QUE NÃO COMPARTILHAMOS JUNTOS MEU AMOR. Importante que você estava feliz.

A post shared by Bahia (@tenente_bahia87) on

Samantala, nananatili ngayon sa neonatal intensive care unit ang munting anghel na pinangalanang Sophia.

Facebook Comments