Pitong Chinese nationals na sangkot sa ilang krimen, ipina-deport na ng Bureau of Immigration

Ipina-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Chinese nationals na hinuli dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang krimen at nagta-trabaho sa bansa nang walang permit at visa.

Sa report ni BI Port Operations Chief Grifton Medina kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga naturang Chinese national ay idineport noong Huwebes at Biyernes sakay ng magkahiwalay ng eroplano papunta ng Xiamen mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mula sa detention cell sa BI facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, sinamahan sila ng mga immigration officers hanggang sa NAIA.


Sinabi naman ni BI Intelligence chief Fortunato Manahan Jr., ang pitong Chinese Nationals ay naaresto noong September 2019 sa ikinasa nilang operasyon sa Pasig City, Puerto Princesa City sa Palawan at Masinloc, Zambales.

Tatlo sa mga ito ay kabilang sa 270 illegal foreign workers na naaresto Ortigas Center na sangkot naman sa online investment scam at nambibiktima ng mga kapwa nila Chinese.

Dalawa naman ang sangkot sa illegal online gaming sa Puerto Princesa at dalawa rin sa illegal black sand mining sa Zambales.

Facebook Comments