Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na wala nang kontaminasyon ng red tide toxin sa buong karagatan ng Bataan at anim na iba pang coastal waters sa bansa.
Base sa huling laboratory results na inilabas ng BFAR, nagnegatibo na sa shellfish paralytic poison ang mga baybaying dagat ng Bataaan gayundin ang Daram Island, Cambatutay, Irong-irong , Maqueda at Villareal Bays sa Western Samar at Carigara Bay sa Leyte.
Ibig sabihin, ligtas nang maghango, magbenta at kumain ng shellfish at iba pang lamang-dagat mula sa mga nabanggit na karagatan.
Gayunman, kinumpirma rin ng BFAR na positibo muli sa red tide ang baybayin ng Inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan.
Karagdagan ito sa 17 iba pang coastal waters na nananatili pa ring kontaminado ng red tide toxin.