Pitong daang pisong bayad sa ID ng iDOLE, inalmahan ng migrante

Manila, Philippines – Inulan ng batikos ang inilunsad na iDOLE Card ng Labor Department para sa mga Overseas Filipino Worker.

Una kasing sinabi ng DOLE na libre ang nasabing OFW I.D. pero lumabas na may bayad pala itong 700 piso.

Limangdaan para sa mismong card at P200 para sa delivery.


Pero paliwanag ni DOLE Sec. Silvestre Bello III – recruitment agency ng mga OFW ang magbabayad sa I.D.

Pero ayon kay Philippine Association of Service Exporters President Elsa Villa, hindi sila nakonsulta hinggil dito.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Bello ang mga recruitment agency na huwag munang magpanic.

Giit naman ng grupong migrante, tila ipinipilit at minamadali ng DOLE ang pagpapatupad sa iDOLE Card.

Sa isang linggo maglalabas ng implementing rules and guidelines ang DOLE kaugnay sa iDOLE Card.

Facebook Comments