Pitong hinihinalang kaso ng bird flu sa tao, binabantayan ng Dept. of Health

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na posible pa ring mamatay sa bird flu ang mga taong tinamaan ng virus kahit mababa ang posiblidad na maipasa ito mula sa manok.

Sa huling datos kasi ng ahensya, mayroon nang 41 suspected cases ng bird-to-human bird flu transmission kung saan 34 rito ang nag-negatibo.

Lahat ng mga pasyente ay mga farm workers o pumatay ng mga ibong apektado ng nasabing virus.


Sintomas na dinanas ng mga pasyente ay lagnat, ubo, sipon, panghihina ng katawan, pananakit ng kasu-kasuhan at pagdudumi.

Ayon kay Research Institute for Tropical Medicine (RITM) region 4 Director, Dr. Socorro Lupisan – naka-isolate na isang ospital sa Pampanga ang pitong bagong kaso ng hinihinalang bird flu.

Paliwanag pa ni lupisan, 30 hanggang 50 porsyento lamang ang tyansa na gumaling ang isang taong tinamaan ng bird flu.

Inaatake kasi aniya ng bird flu ang respiratory system na siyang responsible sa paghinga.

Dalawang araw aniya ang hihintayin bago malaman ang test result.

Facebook Comments