Santiago City – Arestado kaninang madaling ang pitong kalalakihan matapos na maaktuhan ng mga otoridad na nagpa-pot session sa Four Lanes, Malvar, Santiago City.
Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rolando Gatan, hepe ng Santiago Police Station 1, sinabi niya na ipinarating ng isang impormante ang umanoy grupo ng kalalakihan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Aniya kaagad na ikinasa ang operasyon ng pinagsanib pwersa ng Santiago City Police Office sa pangunguna ni Police Chief Inspector Alexander Rodrigo, City Drug Enforcement Unit, Regional Drug Enforcement Unit at Police Regional Office 2.
Matagumpay aniya na naaresto ang pitong suspek na kinabibilangan nina Ferdinand Velasquez Gombio, 24 yrs.old, binata; Alexis Palatao Briones, 26 yrs.old, binata; Jaylord Foronda Agustin, 26 yrs., may asawa, isang negosyante; Reniel Banaga Perez, 25 yrs. old at John Carlo Gomez Punzalan, 21 yrs. old, binata at pawang mga residente ng Santiago City.
Kabilang din umano ang dalawang estudyante na sina Brandon Agustin Lee, 23 years old, at Manuel Balot Sanchez, 19 yrs. Old, pawang mga binata at nakatira rin sa Santiago City.
Sinabi pa ni Police Chief Inspector Gatan na nakumpiska sa mga suspek ang tuyong dahon ng marijuana at mga gamit sa kanilang pot session.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Santiago Police Station ang mga suspek at inihahanda na ang pagsampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act laban sa mga suspek.