PITONG KANDIDATO SA DAGUPAN CITY, LUMABAG SA CAMPAIGN POSTER RULES NG COMELEC

Pitong kandidato sa lungsod ng Dagupan ang diumano’y lumabag sa mga panuntunan ng Commission on Election kaugnay sa paparating na halalan.

Nag-issue na ang COMELEC Dagupan ng mga notice dahil sa paglabag ng mga ito, partikular na sa pagkakabit ng mga campaign posters.

Ayon sa COMELEC Dagupan, ikinabit sa mga puno, poste ng kuryente o ‘di naman ay oversized sa itinakda ng komisyon ang mga campaign posters.

Bagamat hindi na pinangalanan, sa oras umano na matanggap ng mga ito ang sulat ay mayroon silang tatlong araw para kusang baklasin ang mga posters na oversized o mga wala sa tamang lugar.

Samantala, posible namang maging election offense ito alinsunod sa Fair Election Act, sakaling hindi ito baklasin sa itinakdang palugit na tatlong araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments