PITONG KATAO, ARESTADO DAHIL SA PAGSUSUGAL SA SAN FERNANDO, LA UNION

Pitong indibidwal ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon laban sa ilegal na pagsusugal sa Lungsod ng San Fernando, La Union noong Oktubre 21, 2025.

Sa unang operasyon na isinagawa bandang alas-3 ng hapon, nadakip ng pinagsamang pwersa ng 1st La Union Provincial Mobile Force Company at iba pang yunit ng pulisya ang tatlong lalaki matapos maaktuhang naglalaro ng “Tong-its.” Narekober mula sa kanila ang isang set ng baraha at halagang ₱341 na ginamit bilang pusta.

Makalipas ang mahigit isang oras, nagsagawa naman ng hiwalay na operasyon ang San Fernando City Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na lalaki na umano’y nahuling naglalaro ng “Pusoy.” Nakumpiska sa kanilang pagmamay-ari ang isang set ng baraha at ₱400 na perang pusta.

Ang mga nasabing operasyon ay isinagawa bilang pagpapatupad ng City Ordinance No. 1970-03 (Anti-Illegal Gambling). Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments