PITONG KATAO, ARESTADO SA ILEGAL NA PAGSUSUGAL SA CANDON CITY, ILOCOS SUR

Naaresto ng awtoridad ang pitong katao, kabilang ang isang estudyante, dahil sa ilegal na pagsusugal sa Candon City, Ilocos Sur noong hapon ng Linggo, February 8.

Ayon sa kapulisan, nahuli sa akto ang mga suspek habang rumoronda sa lugar ang ilang personnel.

Nakumpiska ang 95 piraso ng baraha, higit ₱1, 000 na bet money, at ilan pang kagamitan sa pagsusugal

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga suspek dahil sa kaukulang paglabag.

Facebook Comments