PITONG KATAO, SUGATAN SA KARAMBOLA NG LIMANG SASAKYAN SA ROSALES

Sugatan ang pitong katao matapos sumalpok ang SUV sa apat na sasakyan sa Brgy. Carmay East, Rosales, Pangasinan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Rosales Police Station Chief Investigation Officer PMES (Police Executive Master Sergeant) Marlon Palaruan, patungo umanong Rosales ang naturang SUV habang patungo naman Sta. Maria ang apat na sasakyan nang mangyari ang insidente.

Bigla umanong sumalpok ang mabilis na SUV sa mga kasalubong na sasakyan bago mahulog sa palayan.

Sa imbestigasyon, nakainom umano ang driver ng SUV nang mangyari ang insidente.

Sugatan ang lahat ng driver at sakay ng mga nadamay na sasakyan na nadala sa pagamutan at agad nakauwi maliban sa isang biktima na nagtamo ng fracture.

Nag-uusap pa ang lahat ng panig at bukas na huwag nang magsampa ng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments