Pitong lalaki, arestado dahil sa online sabong sa Pateros

63

Arestado ang pitong lalaki matapos maaktuhang nagtataya sa online sabong ng mga tauhan ng Philippine National Police Pateros sa Barangay Sto Rosario, Silangan, Pateros.

Kinilala ang mga naaresto na sina Reagan Dagdag, Anthony Leonor, Rondie Mandual, Roel Balanayos, Joe Manalo na mga residente ng Pasig City at Roel Villacora at Richmond Villamer na mga residente namang ng Pateros.


Ayon sa Southern Police District, nakatanggap ng ulat ang PNP Pateros sa nangyayaring online sabong sa Barangay Sto Rosario kaya agad rumesponde ang mga pulis.

Dahil dito, naaktuhan ang mga naaresto na nagtataya sa online cockfighting.

Nakumpiska sa kanila ang cash na P4,700 at isang cellular phone na ginagamit sa online sabong.

Kakasuhan ang mga nahuli ng paglabag sa Presidential Decree 1602 o ang anti-illegal gambling at paglabag sa health protocols dahil wala silang social distancing nang isagawa ilegal na pagsusugal.



Facebook Comments