Inilagay ng OCTA Research Group ang pitong lugar sa bansa bilang “areas of concern” bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kabilang sa mga lugar na itinuturing na areas of concern ay ang Isabela, Cagayan, Iloilo, Misamis Oriental, Davao del Sur, South Cotabato, at Camarines Sur.
Ang Isabela ang may mataas na seven-day growth rate na nasa 149%, kasunod ang Cagayan na may 118%.
May mataas din na positivity rate ang Camarines Sur (73%) at Palawan (53%), hudyat para itaas ang testing capacity.
Ang reproduction number ng COVID-19 sa buong bansa ay nasa 1.02.
Facebook Comments