PITONG MANGINGISDA MULA SA SUAL, ARESTADO DAHIL SA ILLEGAL FISHING SA LA UNION

Arestado ang pitong mangingisda mula sa bayan ng Sual, Pangasinan matapos mahuli sa ilegal na pangingisda sa Baccuit Sur, Bauang, La Union.

Huli sa akto ang mga mangingisda sa naturang baybayin na paglabag sa Provincial Ordinance No. 086-2016.

Nakumpiska sa mga mangingisda ang pitong banyera na naglalaman ng iba’t-ibang uri ng isda na nagkakahalaga ng abot ₱30,000.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga suspek para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments