PITONG MANGINGISDA NA NA-RESCUE MULA SA LUMUBOG NA BANGKA SA AGNO, NASAGIP

Nakauwi na sa kani-kanilang tahanan ang pitong mangingisda na na-rescue mula sa lumubog na sasakyang pandagat na FBCA Faith Natanniel sa baybayin ng Agno, Pangasinan.

Ayon sa ulat, natagpuan ang kanilang papalubog na bangka noong bisperas ng Pasko, Disyembre 24, 2024. Ligtas silang naihatid sa kanilang mga pamilya noong Huwebes, Disyembre 27, 2024.

Walang nasaktan sa insidente, at nasa maayos na kalagayan ang mga mangingisda matapos ang pagsagip. Agad ding nagbigay ng tulong ang Coast Guard Substation (CGSS) Infanta at ang lokal na pamahalaan ng Pangasinan sa mga nasagip.

Patuloy namang nagsasagawa ng monitoring at pagbabantay sa karagatan ang Coast Guard Station Pangasinan at CGSS Infanta upang matiyak ang kaligtasan ng mga mangingisda at iba pang manlalakbay sa dagat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments