Nag-deploy ang Philippine National Police o PNP ng kanilang mga medical frontliner para tumulong sa tatlong araw na National Vaccination Day.
Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, pitong medical teams na kinabibilangan ng 70 medical workers ang naipadala na nila.
May idineploy aniyang sampung man team sa Police Regional Office 3 sa San Fernando, Pampanga at Camp Vicente Lim sa Laguna para sa PRO 4A O Calabarzon.
Nag-deploy rin sila sa Quezon City Police District para tumulong sa bakunahan sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Ang mga ito ay galing sa quarantine facility sa MOA.
Sinabi pa ni PNP chief, may mahigit 5,000 mga health worker pa sila sa buong bansa ang naka-standby at maaring tumulong sa Department of Health kung kakailanganin sa iba pang mga rehiyon.