Pitong miembro ng ISIS Inspired group sumuko sa Milf sa Maguindanao

Pitong mga kasamahan ni Esmael Abdulmalik alyas Abu Turaife ng Jaamatul Muhajireen Al Wansar ang kusang loob na sumuko sa Moro Islamic Liberation front(MILF) sa bayan ng Datu Salibo Maguindanao kahapon.
Sumuko ang pitong mga tauhan ni Abu Turaife dahil sa mahigpit na operasyon na isinasagawa ng Task Force Ittihad ng Milf laban sa kanila.
Nahihirapan na umano sila sa kanilang ginagawang pagtatago kaya minabuti nilang sumuko kay Istadz Muhideen ng 105th base command sa ilalim ng pamumuno ni Kumander Haon.
Kasabay ng mahigpit na operasyon ng Milf ay ang pagkakarekober ng Milf sa 11 Improvised Explosive Device(IED) sa mga bayan ng Datu Salibo at Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao.

Facebook Comments