Pitong pagyanig, naitala sa Mayon Volcano ayon sa PHIVOLCS

Nakapagtala ng pitong pagyanig ang Mayon Volcano sa nakaraang bente-kwatro (24) oras ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, nagbuga ng usok ang bulkan at naglabas ng sulfur dioxide na tinatayang aabot sa 76 metrong tonelada kada araw.

Kasalukuyan namang nasa Alert Level 1 pa rin ang bulkan.


Sa ngayon, mariing pinaalalahan ng PHIVOLCS ang publiko na huwag papasok sa anim na kilometrong permanent danger zone sa paligid ng bulkan.

Facebook Comments