Manila, Philippines – Pitong mga pasahero na may apelyidong Maute ang pinigil sa NAIA 3 ng Bureau of Immigration.
Patungo sana ng Malaysia kaninang pasado ala-una ng hapon sakay ng Cebu pacific ang naturang mga pasahero subalit sila ay pinigil ng Immigration officers.
Nilinaw naman ng Bureau of Immigration na hindi pa tiyak kung miyembro ng Maute group na lumusob sa Marawi City ang naturang mga pasahero na may apelyidong Maute dahil sila ay patuloy pang isinasailalim sa imbestigasyon.
Kaninang umaga, isa ring pasahero na may apelyidong Maute ang pinigil ng immigration officers sa NAIA 1.
Ang naturang pasahero ay patungo sana ng Riyadh, Saudi Arabia kaninang umaga.
Gayunman, base sa imbestigasyon napatunayan na hindi miyembro ng Maute group ang pasahero subalit hindi na ito nakasakay ng eroplano.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558